dzme1530.ph

Sarah Discaya, inaresto ng NBI kaugnay ng P96.5M ghost flood control project

Loading

Inaresto na ng National Bureau of Investigation ang kontrobersyal na kontratistang si Cezarah o “Sarah” Discaya kaugnay ng P96.5-milyong ghost flood control project sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Kinumpirma ng NBI na dinala si Discaya sa custodial facility ng ahensya sa loob ng Bureau of Corrections sa Muntinlupa City matapos ipatupad ang warrant of arrest na inilabas ng korte.

Ang warrant ay nag-ugat sa mga kasong graft at malversation na inihain ng Office of the Ombudsman laban kay Discaya at siyam na iba pa dahil sa proyektong nabayaran nang buo ngunit hindi umano kailanman naipatupad.

Matatandaang kusang sumuko si Discaya sa Independent Commission on Infrastructure noong Disyembre 9, kasabay ng unang pahayag ng Pangulo na ilalabas na ang warrant of arrest laban sa kanya at sa mga kasamang akusado.