Nagpadala na ang Office of Civil Defense (OCD) ng water filtration units sa lalawigan ng Albay para matugunan ang kakulangan sa maiinom na tubig ng mga evacuee.
Nakatanggap kasi ng reklamo ang ahensya mula sa evacuees sa Legazpi, Albay hinggil sa kakapusan ng kanilang maiinom na tubig, malinis na palikuran, at kuryente sa ilang evacuation centers.
Sinabi ni OCD Joint Information Unit Head Diego Agustin Mariano, nagsanib-pwersa na ang lahat ng ahensiya sa regional office sa Bicol (OCD-5) para matukoy at mabilis na matugunan ang mga pangangailangan ng mga inilikas na residente.
Kasunod nito, tiniyak ng ahensya na mayroong sapat na suplay ng pagkain at tubig para sa mga apektadong residente ng nag-aalburutong ng Bulkang Mayon. —sa panulat ni Jam Tarrayo, DZME News