dzme1530.ph

Sapat na seguridad sa SONA ni PBBM, tiniyak ng NCRPO

Tiniyak ng National Captial Region Police Office (NCRPO) ang sapat na seguridad sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na Lunes, July 24, 2023.

Ayon kay NCRPO Acting Regional Director Brigader General Jose Nartatez Jr., ito’y dahil sa mga ipinakita ng bawat police districts sa Metro Manila sa isinagawang Civil Dispersal Management Exercises, kahapon.

Dagdag pa ni Nartatez na nakahanda na rin ang nasa 32,000 pulis sa naturang pagtitipon upang magbantay sa seguridad at panatilihin ang kapayapaan ng mga magsasagawa ng kilos protesta.

Ayon kay Nartatez makakaasa ang publiko na papairalin nila ang maximum tolerance bagay na ginagawa ng police districts. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author