dzme1530.ph

Sapat na pondo sa sektor ng edukasyon, tiniyak ng Senate panel

Loading

Nangako si Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian na titiyakin ang pagbibigay ng sapat na pondo at suporta sa sektor ng edukasyon sa nalalapit na budget season.

Ito’y matapos bumaba sa 96% ang bilang ng mga struggling readers o mga hirap magbasa na estudyante sa Grade 3, mula sa higit 51,000 ay halos 2,000 na lamang.

Kumpiyansa si Gatchalian na epektibo ang mga inisyatibong ipinatupad para mapahusay ang reading proficiency ng mga mag-aaral, kabilang ang Learning Recovery Program (LRP) at Bawat Bata Makababasa Program (BBMP).

Tiwala rin ang mambabatas na sa sandaling maipatupad nang husto ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program, ay mas mapapabilis ang learning recovery ng mga mag-aaral at higit pang mababawasan ang bilang ng mga non-readers.

Kaya naman, tiniyak ni Gatchalian na may sapat na pondo para sa susunod na taon upang mawakasan ang krisis sa edukasyon.

About The Author