![]()
Interesado si Pope Leo XIV na bumisita sa Pilipinas kasabay ng kanyang biyahe sa Asya sa 2027.
Ito ang kinumpirma ni Pablo Virgilio David matapos na rin anyang magpaabot ng imbitasyon ang Simbahang Katolika sa Pilipinas sa Santo Papa.
Sinabi ng cardinal na nalaman nilang magtutungo ang Santo Papa sa South Korea sa 2027 para sa World Youth Day celebration.
Kaya naman nagpadala rin ng komunikasyon sa kanya ang Simbahan sa bansa para sabihing welcome siyang dumalaw sa Pilipinas.
Kung matutuloy ang pagbisita ng Santo Papa, hindi ito ang magiging unang pagkakataon na makadalaw siya sa Pilipinas.
Bago siya mapili bilang lider ng Catholic Church, bumisita na siya sa lungsod ng Manila at Cebu noong siya ay isa pa lamang bishop.
