Kasalukuyan pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi nang naganap na pagsabog sa loob ng isang stall ng SM Cherry Antipolo dakong alas-8:30 hanggang alas 9:00 kaninang umaga.
Sa opisyal na pahayag na inilabas ng pamunuan ng naturang mall, nakasaad na walang nasaktang indibidwal sa insidente at nagsasagawa na ng imbestigasyon ang BFP, PNP at LGUs sa lugar.
Kaugnay nito, ayon kay Congressman Roberto “Robbie” Puno, pansamantalang suspendido ang interview ng mga taga-Barangay Mambugan para sa DSWD Educational Assistance, gayundin ang mga nakatakdang commencement exercises sa nasabing mall ngayong araw.
Ayon pa sa SM Cherry Antipolo, tumutulong na ang kanilang mga tauhan sa pagsusuri sa mga pasilidad upang matiyak ang kaligtasan ng mga kostumer sa pagbabalik operasyon nito. —sa panulat ni Joana Luna