dzme1530.ph

‘Sangla-ATM’ scheme sa cash transfer programs beneficiaries, iligal! -DSWD

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng cash transfer subsidy programs ng pamahalaan laban sa pagsasangla ng kanilang ATM cards o paggamit nito bilang kolateral sa kanilang utang.

Binigyang diin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ilegal ang ‘sangla-ATM’ scheme at isang paglabag sa cash transfer program.

Aniya sa sandaling ibigay ng benepisyaryo ang kanyang ATM o cash card sa ibang tao ay ito na ang nagiging bagong beneficiary ng programa.

Tiniyak ng kalihim na maparurusahan ang sinumang mapapatunayang lumabag dito at maaaring matanggal mula sa mga iba pang programa ng pamahalaan sa hinaharap.

Dahil dito, hinimok ng kalihim ang publiko na kaagad na ipagbigay-alam sa kagawaran kung may nalalaman silang mga benepisyaryo na lumalabag dito. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author