Nakatulong sa San Miguel ang 17-point fourth-quarter explosion mula kay Mo Tautuaa para padapain ang Terrafirma, sa score na 113-110, sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup, sa Ninoy Aquino Stadium, kagabi.
Nakapagtala si Tautuaa ng 24 markers, 8 rebounds at assists habang nag-ambag din si CJ Perez ng 25 points, 6 rebounds, at 5 assists.
Wala pa ring talo ang San Miguel sa lima nitong laro habang ang nalaglag naman ang dyip sa 4-4.