dzme1530.ph

San Miguel, pinadapa ang Rain or Shine sa kanilang unang panalo sa Philippine Cup

Loading

Nasungkit ng San Miguel Beer ang una nilang panalo sa PBA Season 50 Philippine Cup sa pamamagitan ng Rain or Shine, sa score na 111-93, sa Ynares Center sa Montalban kagabi.

Apat na players ang umiskor ng double digits para sa Beermen, sa pangunguna ni CJ Perez na gumawa ng 23 points at Mario Lassiter na nagdagdag ng 18 points, kabilang ang tatlong three-pointers.

Nag-ambag naman ang reigning nine-time Most Valuable Player na si June Mar Fajardo ng 17 points at 14 rebounds.

Nakabawi ang Beermen matapos matalo sa unang dalawang assignments sa conference mula sa NLEX at Phoenix.

About The Author