dzme1530.ph

Samu’t saring agri products, kinumpiska ng BPI sa NAIA T1

Muling nakakumpiska ang Bureau of Plant Industry (BPI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng iba’t ibang agri products dala ng dalawang babaeng pasahero mula Korea.

Ayon sa BPI, pasado alas-11:00 ng umaga kanina nang dumating ang Asiana Airlines flight 0Z-701 sakay ang dalawang pasaherong may dala ng 15kgs na puting sibuyas.

Habang ang isa pang kasabay na pasahero ay nakuhanan ng .5kgs na tomatoes; .2kgs na broccoli; 1kgs na squash; .2kgs na blueberries; .1kgs na asparagus; at .5kgs na zucchini.

Ang mga naturang produkto ay naharang ng BOC sa NAIA terminal 1 kung saan napag-alaman na walang maipakitang certificate ang dalawang pasahero dahilan para kumpiskahin ito ng BPI.

Dadalhin ang mga nasamsam na produkto sa BPI facility para sa tamang disposal. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author