Muling nakakumpiska ang mga tauhan ng Bureau of Plant Industry (BPI) ng iba’t ibnag uri ng agricultural products mula sa anim na pasehoro sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.
Sa report ng BPI, unang nakumpiska ang 0.2kg na goji berry, 2kgs walnut, at 2kgs na plums mula sa isang pasahero galing Xiamen.
Gayundin ang 192kgs na atis at 27.7 kgs na lansones dala ng isang pasahero mula Hong Kong.
Nasabat naman ang 1.7kgs na citrus leaves, 1.1 kgs pepper at 1.6 kgs na eggplants dala ng pasahero mula Thailand.
2kgs na petchay, 1.5kgs na radish, 4.5kgs na corn, at 0.5kg na kangkong bitbit naman ng isang pasahero mula Jinjiang.
Nasamsam din ang 0.8kg na Ginger at 1kg na lotus root dala ng isang pasahero mula Xiamen.
Ang mga naturang produkto ay naharang ng BOC sa anim na magkahiwalay na flight sa NAIA terminal 1 kung saan wala silang maipakitang permit mula sa bansa na kanilang pinanggalingan dahilan para ito ay kumpiskahin ng BPI. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News