Pinalagan ng International Council of Nurses (ICN) ang pagre-recruit ng United Kingdom ng nurses mula sa mahihirap na bansa bilang agarang solusyon sa kakulangan sa naturang propesyon.
Binigyang diin ng Nursing Federation na hindi katanggap-tanggap at dapat matigil ang pagre-recruit ng mayayamang bansa ng nursing staff mula sa mga bansang mahina ang health systems.
Sinabi ng ICN na pito o walong bansa, kabilang ang United Kingdom, United States, at Canada, ang walang kasiguraduhang nagre-recruit ng nurses sa iba’t ibang bansa, upang subukang mapunan ang kanilang domestic shortages.
Idinagdag ng ICN na ang International Recruitment ay dapat naka-focus sa experienced at specialised nurses, at hindi sa paniniwalang tanging newly-qualified nurses ang dapat kunin.