Nagpasaklolo na sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang Samahan ng mga Mangagawa ng Paliparan sa Pilipinas (SMPP) para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal na nagsusulong ng privatization sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Gilberto Bagtas, Vice President ng SMPP mahigit isang libong mga manggagawa ng paliparan ang maapektuhan sa pagsasapribado ng NAIA.
Sa Isang flag raising ceremony kanina sa Manila International Airport Authority (MIAA) inobliga ang mga empleyado na sagutan ang survey na isa umano sa mga requirements ng proyekto na PPP bago isakatuparan ang privatization.
Ayon kay Bagtas, papaano sila sasagot sa survey kung wala naman aniya silang nababasang paliwanag para sa mga empleyado kaugnay ng ipapatupad na privatization sa paliparan.
Giit ni Bagtas binigyan lamang silang lahat hanggang bukas Abril 2, para masagutan ito. Samantala noong pang Agosto 2023 ipinagawa sa management na kausapin ang mga empleyado kung ano ang mangyayari sa kanila kapag nai-privatized na ang operations ng NAIA terminals.