dzme1530.ph

Sam Milby, kinumpirmang hiwalay na sila ni Catriona Gray

Loading

Kinumpirma ni Sam Milby na hiwalay na sila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Matapos ang halos isang taong espekulasyon ng fans at netizens, inamin ng aktor na wala na sila ni Catriona, at okay naman sila.

Idinagdag ni Sam na sa ngayon ay naka-focus siya sa kanyang trabaho at pagpapabuti sa sarili.

Itinanggi rin niya na si Moira Dela Torre ang third-party sa hiwalayan.

Inamin ni Sam na sobrang close sila dati ng singer subalit hindi na sila friends ngayon.

2020 nang ianunsyo nina Sam at Catriona ang kanilang relasyon at na-engage sila noong 2023.

About The Author