dzme1530.ph

SALNs ng mga opisyal ng pamahalaan, maaari nang ma-access ng publiko

Loading

Naglabas ang Office of the Ombudsman ng memorandum na nagtatalaga ng bagong guidelines para ma-access ng publiko ang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALNs) ng mga opisyal ng pamahalaan.

Sa statement na binasa ng bagong talagang Assistant Ombudsman na si Mico Clavano, muling binuksan ang public access sa SALNs upang labanan ang katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan.

Sinabi ni Clavano na may lehitimong karapatan ang publiko na malaman kung paano natatamasa at napangangasiwaan ng mga taga-gobyerno ang kanilang kayamanan.

Binaliktad ng bagong polisiya ang 2020 circular sa ilalim ni dating Ombudsman Samuel Martires, na nagre-require ng consent mula sa mga opisyal bago ilabas ang kanilang SALNs sa nag-request na partido.

About The Author