dzme1530.ph

‘sakit sa ulo’ Sen. Raffy Tulfo walang balak tumakbong Presidente sa 2028

Ito ay kasunod ng mga lumitaw sa survey na siya ang numero uno sa mga nais na Presidential bet ng publiko.

Sinabi ni Tulfo na nakatuon siya ngayon sa Senado at nag-eenjoy pa siya sa kanyang mandato.

Bukod dito, naniniwala ang mambabatas na sakit lamang sa ulo ang pagkandidato bilang Pangulo kasabay ng pangamba na posibleng mas marami pang magalit sa kanya kapag tinarget niya ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Ipinaliwanag pa ni Tulfo na magkaiba rin ang usapin sa pagkandidato bilang Senador at pagiging Pangulo lalo na ngayon na marami siyang obligasyon sa paggawa ng batas.

Ipinauubaya naman niya kay ACT-CIS Representative Erwin Tulfo kung sasabak ito sa 2025 senatorial race.

Hindi naman aniya niya maaawat ang kanyang kapatid kung naisin nitong pumasok sa Senado dahil hindi naman niya ito hawak sa leeg.

About The Author