dzme1530.ph

SAGUTAN NINA SEN. LACSON AT MARCOLETA, UMABOT NA SA PLENARYO

Loading

Umabot na sa plenaryo ng Senado ang sagutan nina Senador Panfilo Lacson at c kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea at sa imbestigasyon sa flood control projects.

 

Ito ay nang isa-isang sagutin ni Lacson ang mga isyung inilatag ni Marcoleta, partikular ang pagkwestiyon sa hindi pa rin pag-iimbita sa ilang personalidad sa imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects.

 

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Lacson na bida sa kanyang talumpati si Marcoleta na inakusahan niya ng pang-i-stalk sa kanya at pagpuna sa bawat interview niya.

 

Muli rin niyang inakusahan si Marcoleta na pumapanig sa mga discaya kasabay ng pagbatikos sa pagpapaharap kay Orly Guteza at pagpuna sa inilabas na minority report kaugnay sa imbestigasyon sa flood control na aniya’y wala sa hulog.

 

Iginiit din ni Lacson na maaaring masampahan ng indirect bribery si Marcoleta dahil sa pagtanggap ng mga donasyon noong kampanya na hindi naman niya idineklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures.

 

Sa pagtugon naman ni Marcoleta, iginiit niyang ang tanging isyu na kanyang ibinabato ay ang paglilihis sa imbestigasyon sa flood control projects at hindi pa rin pagpapatawag sa mga aniya’y malalaking taong sangkot sa katiwalian. 

About The Author