Nais ni Senador JV Ejercito na maglatag ng sapat na safety nets ang mga ahensya ng gobyerno sakaling payagan na ang medical use of marijuana sa bansa.
Sinabi ni Ejercito na nais niyang malaman ang posisyon ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ukol sa paggamit ng marijuana sa mga may sakit sa bansa.
Nilinaw naman ng senador na ang kanilang isinusulong ay ang compassionate use ng marijuana at hindi for recreational use.
Tiwala ang senador na makatutulong itong mabawasan ang sakit ng cancer patients o ang mga mayroong neurological disorder.
Ibinahagi ng senador na may kaanak siyang may epilepsy at sa tuwing bibigyan aniya ito ng “cannabis” ay hindi ito nakakaranas ng “seizure.”
Nais lang ni Ejercito na matiyak na may mga konkretong “safety nets and safeguards” upang masigurongg hindi magagamit ang marijuana maliban sa paggamot sa ilang sakit. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News