Inatasan ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang National Amnesty Commission (NAC) na maglabas ng Safe Conduct Passes (SCPS) sa mga dating rebelde na nag-a-apply para sa amnestiya.
Sa ilalim ng memorandum order no. 36, binigyan ng otorisasyon ang nac na mag-isyu ng SCPS sa amnesty applicants mula sa Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade Communist party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic front, Moro islamic liberation front; at Moro National liberation front.
Nakasaad sa naturang kautusan na dapat bigyan ng NAC ng SCPS ang amnesty applicants na nagpahayag ng kanilang intensyon na sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan.
Sa ilalim ng order, gagarantiyahan ng SCPS ang proteksyon ng holder mula sa pag-aresto at pag-uusig para sa mga krimeng saklaw ng proclamations habang suspendido ang anumang reward para sa ikadarakip ng aplikante.