Pormal na tinanggap ni Russian President Vladimir Putin ang imbitasyon ni North Korean President Kim Jong Un, na bumisita sa Pyongyang.
Isa sa mga ipinangako ni Putin ay ang pagsuporta ng Russia sa susunod na space exploration ng North Korea.
Sa pahayag ng Russian News Agency, posible ang pagsasanib pwersa ng dalawang bansa, bagay na ikinabahala ng ibang bansa gaya ng South Korea at Japan.
Tinawag ng South Korea na ‘devils deal’ ang pagsasama ng dalawang bansa.
Naniniwala naman ang Japan na paglabag sa arms deal ng United Nations Security Council ang pagsasanib pwersa ng Russia at North Korea.
Gayunman para kay Putin, pagpapatibay lamang sa pagkakaibigan ng dalawang bansa ang layunin ng 2023 North Korea-Russia Summit. –sa panulat ni Zaine Bosch