dzme1530.ph

Russia, malapit nang makalikha ng bakuna laban sa Cancer

Malapit nang maabot ng Russia ang kanilang target na magkaroon ng bakuna laban sa Cancer.

Ito ang inihayag ni President Vladimir Putin kung saan, hindi tinukoy ng presidente kung ano ang mga uri ng kanser na magagamot nito, at maging kung paano gumagana ang bakuna para maiwasan ang pagkakaroon ng nasabing sakit.

Sa isang forum sa Moscow, sinabi ni Putin na umaasa siyang magagamit ang mga magagawang bakuna, at maituring ito na epektibong paraan para gamutin ang isang indibidwal.

Matatandaan na hindi ito ang unang bakunang ibinida ng Russia, dahil noong kasagsagan ng Coronavirus Pandemic, gumawa ito ng Sputnik V vaccine laban sa COVID-19, na ibinenta rin sa iba’t ibang bansa.  —sa panulat ni Justin Angeles, DZME Intern

About The Author