Naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa pansamantalang pagsasara ng runway ng Pagadian Airport para bigyang-daan ang rehabilitasyon nito simula Abril 15 hanggang Mayo 15, 2024.
Ang emergency repair ng concrete runway, ay tatagal ng isang buwan upang matiyak ang kaligtasan ng mga inbound at outbound flight sa Paliparan at upang maiwasan din ang mga hard landing.
May kabuuang 34 concrete block ang kailangang palitan at marami sa mga ito ay matatagpuan malapit sa runway centerline na isang critical area para sa Aircraft operation.
Ang Pagadian Airport ay nagpapatakbo ng apat na regular flight araw-araw, kaya ang isang buwang pagsasara ay inaasahang makakaapekto sa humigit-kumulang 120 flight.
Hinihikayat ng CAAP ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kani-kanilang airline para sa tulong ng rerouting ng kanilang mga flight.