dzme1530.ph

Runway at Taxiway ng NAIA, pansamantalang isinara kasunod ng malakas na lindol

Pansamantalang isinara ang runways at taxiways ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kanina kasunod ng magnitude 6.2 na lindol na naramdaman sa Metro Manila.

Ang MIAA Ground Safety Units ay nagsasagawa ng agarang inspeksyon upang suriin ang anumang pinsala sa mga pavement.

Ito’y isang karaniwang pamamaraan ng pagpapatakbo upang matiyak ang kaligtasan ng paglapag at pag-alis ng sasakyang panghimpapawid.

Samantala, ang flight operation partikular sa arrival at departure sa loob ng terminal ay hindi naapektuhan base sa isinagawang inspection ng Safety unit of the authority.

Hinihiling ng MIAA ang pang-unawa ng publiko para sa mga posibleng epekto sa mga flight schedule.

Wala pang statement ang pamunuan ng MIAA kung may naapektuhang flight kaugnay ng isinagawang inspection. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author