dzme1530.ph

Ruling ng SC sa Red-tagging, ipinagbunyi ng Makabayan Bloc

Ipinagbunyi ng Makabayan Bloc ang ruling ng Korte Suprema na nagsabing ang red-tagging ay banta sa Right to life, Liberty, at Security.

Ayon kay ACT Teachers Party-list Representative France Castro, landmark ang desisyong ito ng Korte Suprema dahil malinaw na pinoprotektahan nito ang karapatan ng mga aktibista, human rights defenders at ordinaryong mamamayan laban sa harassment, intimidation at violence.

Para sa Kabataan Party-list, maging ang international experts ay nagbabala sa panganib na dala ng red-tagging lalo na kung ito ay kagagawan ng state elements.

Dahil sa ruling na ito, ipinabubuwag na ang NTF-ELCAC at Executive order 70, pinapapanagot ang mga red-taggers, at ipagbawal na sa mga eskwelahan ang NSTP red-tagging semenars at iba pang aktibidad na nagsusulong ng red-tagging activities.

Para sa progresive solons, tagumpay para kay former Bayan Muna Congressman Seigfred Deduro ang Write ruling ng Higher Court of the land, dahil ang Red-tagging ay mapanganib, at umaabot pa sa pagpatay.

 

About The Author