dzme1530.ph

Ruling ng SC sa diskwalipikasyon sa Smartmatic, panibagong sakit ng ulo sa Comelec

Aminado si Senate Minority Leader Koko Pimentel na panibagong sakit ng ulo ng Commission on Elections ang naging ruling ng Korte Suprema kaugnay sa disqualification sa Smartmatic.

Sinabi ni Pimentel na atrasado na ang paglabas ng desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing nakagawa ng grave abuse of discretion ang Comelec sa diskwalipikasyon sa Smartmatic bago pa nakapagsumite ng mga bidding requirement o bidding documents.

Ipinaliwanag ng senador na may pinasok ng kontrata ang Comelec sa bagong election system provider mula sa South Korea.

Binigyang-diin ni Pimentel na magiging problema ng poll body kung ano ang magiging hakbang nila sa Smartmatic.

Matatandaang ipinagkaloob na ng Comelec ang kontrata para sa halalan sa automated election system provider na Miru System na isang korean company.

Ito na ang kumpanya na gagamitin para sa automated elections system para sa midterm elections sa susunod na taon.

About The Author