dzme1530.ph

Rule of law at hustisya, mananaig sa kaso ni Pastor Quiboloy —DOJ

Tiniyak ng Dep’t of Justice na mananaig ang rule of law at hustisya sa kaso ni Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang inihayag ni DOJ Undersecretary Margarita Gutierrez sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sa harap ng patuloy na pagtatago ni Quiboloy kaugnay ng dalawang mabibigat na kasong human trafficking at child abuse.

Ayon kay Gutierrez, sinabi ni Justice Sec. Boying Remulla na ang paglalabas ng Korte ng dalawang arrest warrant laban sa Pastor ay patunay na malakas ang mga kaso laban dito.

Nakikipagtulungan ang DOJ sa iba’t ibang kaukulang ahensya at law enforcement agencies para sa mabilis na ikahuhuli ng pastor.

Kaugnay dito, hinihikayat umano ni Remulla si Quiboloy na sumuko na lamang at harapin ang mga paratang.

Nagpaabot din ito ng suporta sa liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Una nang pinuri ni remulla ang pagkakasagip sa dalawang hinihinalang biktima ng human trafficking sa compound ng KOJC sa Davao City. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author