dzme1530.ph

RPMD, kinilala ang performance ng mga alkalde sa bansa

Binigyang pagkilala ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang performance ng mga mayor sa bansa sa pamamagitan ng “Boses ng Bayan” survey. 

Nagkasa ng survey ang naturang organisyon sa 10,000 rehistradong botante mula sa lahat ng lungsod.

Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD, kabilang sa mga ikunukunsidera sa pagboto ay ang pagiging epektibo ng alkalde sa pagsugpo sa pitong “crucial category”. 

Gaya ng service delivery, financial stewardship, economic progress, leadership and governance, environmental management, social services, at public engagement.”

Nanguna sa top 5 si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ranking na nakakuha ng 94.35%, sinundan nina Eric Singson ng Candon (92.80%), Nacional Mercado ng Maasin (90.26%), Art Robes ng San Jose Del Monte (89.75%) at Jonas Cortes ng Mandaue (88.89%). —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author