![]()
Gumawa ng kasaysayan si Rosé bilang kauna-unahang K-Pop Star na nanalo ng Brit Award.
Napanalunan ng Blackpink member ang International Song of the Year para sa “Apt.,” na kanyang smash hit kasama si Bruno Mars.
Sa kanyang acceptance speech, sinabi niya na malaking karangalan na tanggapin ang award sa harap ng mga talented at admirable musicians sa UK.
Pinasalamatan din ni Rosé si Bruno Mars na aniya ay kanyang biggest mentor at best friend.
May pa-shoutout din siya sa iba pang Blackpink members na sina Jennie, Jisoo, at Lisa.
Ang Brit ay itinuturing na Most High-Profile Music Awards Show sa United Kingdom. | via Lea Soriano-Rivera
