![]()
Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na babawasan ang transport fees sa mga airport at RORO ships bilang tugon sa umiiral na krisis sa langis.
Sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na sa kasalukuyan ay mayroong proposal na ibaba ang RORO terminal fees sa piso mula sa 516 pesos para sa Class 3 at Class 4 vehicles.
Ang desisyon ay ginawa ng Philippine Ports Authority (PPA) upang gumaaan ang transportation costs sa pagbiyahe ng mga produkto.
Saklaw nito ang raw at unprocessed agricultural products, gaya ng trigo, mais, at bigas, maging sa mga gulay, prutas, isda, livestock, at poultry.
Inihayag ni Lopez na sa sandaling maaprubahan ang proposal, ipatutupad ang discount sa kalagitnaan ng Abril at iiral ito sa loob ng anim na buwan.
Babawasan naman ng hanggang 200 pesos kada pasahero ang airport terminal fees, ayon kay Transportation Giovanni Lopez.
Ayon sa kalihim, mararamdaman din ng airline companies ang pagtapyas sa fees dahil mayroon ding discounts sa take-off at landing fees.
Idinagdag ni Lopez na maaaring umabot ng hanggang P5,000 per landing at per take-off ang matitipid ng airline companies.
Epektibo ang discounts simula sa April 1 at magtatagal ito sa loob ng tatlong buwan.
