RORE mission sa Ayungin Shoal, matagumpay na natapos nang walang untoward incident

dzme1530.ph

RORE mission sa Ayungin Shoal, matagumpay na natapos nang walang untoward incident

Loading

Matagumpay na naisagawa ang Rotation and Resupply (RORE) mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nang walang anumang untoward incident.

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na matagumpay na natapos ang RORE mission sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sinamantala rin ng militar ang pagkakataon upang bigyan ng pagkilala ang mga sundalong Pilipino, sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan, kahapon.

Sinabi ng AFP na kinikilala nila ang sigasig at dedikasyon ng mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre na patuloy na nagbabantay sa West Philippine Sea upang pagtibayin ang soberanya, karapatan, at interes ng bansa. —ulat mula kay Allen Ibañez

About The Author