dzme1530.ph

Romualdez: RSU graduates hinimok na maging kabahagi sa better at brighter future ng bansa

Hinikayat ni House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez ang lahat ng mga nagsipagtapos na gamitin ang kaalaman at kasanayang nakuha sa pagpapa-unlad ng bansa.

Sa pagdalo nito sa 48th Commencement Exercises sa Romblon State University, sinabi nito sa mga nagsipagtapos na mahalaga ang kanilang papel na gagampanan sa paghubog ng kinabukasan ng bansa.

Hinimok nito ang mga graduates na tumulong sa gobyerno tungo sa paglikha ng “better at brighter future” ng inang bansa.

Bagamat nakatapos na sa kurso sa kolehiyo, sinabi ni Romualdez na ang pagtahak sa buhay gamit ang kanilang pinag-aralan ay nagsisimula pa lamang.

Kasama si Ako Bikol Congressman Zaldy Co at Romblon Congressman Eleandro “Budoy” Madrona, pinasalamatan ni Romualdez ang mga magulang ng nagsipagtapos at mga guro sa mahalagang papel na kanilang ginawa sa paghubog sa kabataan.

About The Author