dzme1530.ph

Romualdez: Pilipino dapat magkaisa sa pagtatanggol sa bansa

Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang buong sambayanan na magkaisa sa pagtatanggol sa bansa laban sa mga nagtatangkang manghimasok.

Sa mensahe ni Romualdez ngayong Araw ng Kagitingan, pinahalagahan nito ang sakrepisyo ng ating mga ninuno sa pagtatangol sa bayan sa ngalan ng kalayaan mula sa mga dayuhan.

Sa ngayon, ang pagprotekta umano sa soberanya at teritoryo ay hindi lamang “historical obligation” kundi pagpapatuloy sa responsibilidad ng bawat mamamayan.

Giit nito, sa panahon ngayon na umaharap ang mundo sa “geopolitical complexities at territorial disputes,” marapat lang na magkaisa at manindigan ang bawat Pilipino sa pagprotekta sa ating border alinsunod sa international law.

Bukod sa pagtatangol sa territorial integrity, panahon na rin ayon kay Romualdez na magkaisa at kilalanin ang panibagong laban para sa pagkakapantay-pantay, kagutuman at pagpuksa sa kahirapan.

About The Author