dzme1530.ph

Romualdez: Pagpasa sa 2025 National Budget ‘Top priority’ ng Kamara

‘Top priority’ ni House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez ang approval ng proposed 2025 National Budget sa oras na maisumite na ito ng Palasyo sa Kamara.

Ito ang pahayag ni Romualdez matapos bigyan ng ‘Go signal’ ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang 2025 National Budget na nagkakahalaga ng 6.352 trillion pesos.

Ayon kay Romualdez, hindi lamang ang natitirang LEDAC measures ang tututukan nila kundi maging ang General Appropriations Bill, kaya asahan na bago ang sessions break sa September ay maipapasa na nila sa Senado ang approve General Appropriations Bill.

Titiyakin din umano ng Kamara na mabibigyan ng sapat na pondo ang edukasyon, agrikultura, Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program, infrastructure, at legacy projects ng Marcos Administration

Prayoridad din sa babalangkasing budget ang pagpapababa sa presyo ng pagkain at pagpapaunlad hanggang sa pinaka-malayong kumunidad ng bansa.

About The Author