Pinulong ni House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez ang Philippine Rice Industry Stakeholders Movement o PRISM dalawang linggo bago ipatupad ang Executive Order No. 62.
Ang Executive Order No. 62 ay kautusan na ibinababa sa 15% ang ipinapataw na taripa sa mga imported rice at iba pang mga kaakibat na produkto.
Kapwa nakipagpulong kay Romualdez si PRISM founder at Lead Convenor Rowena Sadicon at Grain Retailers Confederation of the Philippines Spokesperson (GRECON) Orly Maluntag
Inaasahang simula sa July 6, 2024 ay mararamdaman na ang epekto ng EO 62, at inaasahang bababa ng 6 pesos hanggang 7 pesos ang presyo sa kada kilo ng bigas sa merkado base sa unang pagtaya ng Philippine Statistics Authority.
Bukod kay Romualdez, present din sa meeting sina Congressman Zaldy Co ng Committee on Appropriations, Coongressman Mark Enverga, Chairman ng Committee on Agriculture and Food, Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ng ACT-CIS Partylist, at National Food Authority (NFA) Officer-In-Charge Administrator Lary Lacson.