dzme1530.ph

Romualdez, inimbitahan ng ICI sa hearing ukol sa flood control projects

Loading

Pormal nang inimbitahan ng Independent Commission for Infrastructure si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na dumalo sa pagdinig ng komisyon sa October 14, 2025, alas-10 ng umaga.

Ang paanyaya na may petsang October 8 ay pirmado ni retired Supreme Court Justice Andres Reyes Jr., chairman ng ICI.

Si Romualdez ay titestigo kaugnay ng umano’y insertions at pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isyu ng korapsyon sa flood control projects ng DPWH noong ito pa ang Speaker of the House.

Layunin ng ICI na alamin ang personal knowledge ni Romualdez hinggil sa mga naganap na insertions sa pambansang badyet.

Hiniling din ng komisyon na dalhin nito ang anumang dokumentong makatutulong o may kaugnayan sa kanyang pagharap.

Ang ICI ay pansamantalang nag-oopisina sa 2nd Floor, Department of Energy Compound, Fort Bonifacio, Taguig City.

About The Author