“Hindi West Philippine Sea ang dapat na nagde-define ng relasyon ng Pilipinas at China.” Iyan ang sinabi ni House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez bilang reaksyon sa pagkumpiska at pagtapon ng China Coast Guard (CCG) sa supplies na para sa mga sundalo na naka-istasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Romualdez, kasama siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. sa Shangri-La Dialogue ukol sa defence and security at duon nanindigan ang Pangulo na walang “inch o millimeter” ng ating teritoryo ang isusuko sa kahit na sino.
Nakakalungkot aniya na ganito ang ginagawa ng China na ating kabitbahay kaya umaapila ito na tigilan na ang mga aggressive behaviour na nakakasira sa magandang relasyon.
Marami pa umanong dapat pagkasunduan ang dalawang bansa, subalit habang agrisibo ang Chinese Naval Assets, Coast Guard at Militia Forces, lalo lang nagiging tensiyonado at lumalala ang relasyon ng Pilipinas sa kanila.