dzme1530.ph

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, malaking ginhawa sa publiko

Loading

Itinuturing ni Sen. Sherwin Gatchalian na welcome relief ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo para sa mga Pilipinong matagal nang nahihirapan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, partikular na ang mga tsuper ng pampasaherong sasakyan at mga ordinaryong pasahero.

Sinabi ni Gatchalian na mahalaga itong hakbang para maibsan ang pasanin ng mga Pinoy lalo na ang mga tsuper ng PUVs at commuters.

Ikinatuwa rin ni Gatchalian ang aksyon ng apat na kumpanya ng langis na boluntaryong nagbigay ng diskwento sa mga tsuper ng Public Utility Vehicles (PUVs) at Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Kasabay nito, hinihikayat ng senador ang iba pang kumpanya ng langis na tularan ito at makiisa sa pagpapagaan ng buhay ng mga Pinoy na pinaka-nangangailangan.

Patuloy ang panawagan ni Gatchalian sa Department of Energy at iba pang ahensya ng gobyerno na tiyakin ang makatarungan at makatotohanang presyo ng petrolyo sa merkado upang maprotektahan ang mga mamimili sa gitna ng pagbabago ng presyo sa pandaigdigang merkado.

About The Author