dzme1530.ph

Rocket debris ng China, posibleng bumagsak malapit sa Rozul Reef at Patag Island sa WPS

Posibleng bumagsak ang debris ng inilunsad na rocket ng China malapit sa Rozul Reef at Patag Island sa West Philippine Sea (WPS).

Sa statement, kinumpirma ng Philippine Space Agency (PHILSA) na naglunsad ang People’s republic of China ng long March 3b/e rocket.

Ang mga inaasahang debris mula sa rocket launch ay tinatayang bumagsak sa identified drop zones, 28 nautical miles ang layo mula sa Rozul Reef at 38 nautical miles mula sa Patag Island.

Babala ng PHILSA, ang falling debris ay may dalang panganib sa mga barko, eroplano, bangkang pangisda, at iba pang mga sasakyang pandagat na dumadaan sa drop zone.

Posible rin na lumutang ang debris sa mga kalapit na baybayin.

 

 

About The Author