dzme1530.ph

Robes ng mga senator-judges para sa impeachment kay Vice President Sara, handa na

Loading

NAKAHANDA na ang mga robes na gagamitin ng mga senator-judges sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

 

Ayon kay Senate Secretary Atty Renato Bantug, natahi na ang lahat ng mga robes at dalawa na lamang ang hinihintay nilang maideliber sa Senado.

 

Idinagdag pa ni Bantug na naipaalam na rin sa Kamara ang kanilang room assignments sa Senado sa sandaling umarangkada na ang paglilitis.

 

Tiniyak din ni Bantug na minimal o kaunti lamang ang gastos ng Senado sa proseso ng impeachment.

 

Ipinaliwanag ni Bantug na ang gastos lamang nila ay ang mga robes at ang access passes para sa mga bisita dahil ang iba namang pangangailangan ay available sa Senado.

 

Una nang sinabi ni  Senate President Francis  Escudero  na hindi aabot ng isang milyong piso ang gastusin ng Senado sa impeachment process subalit hindi kasama rito ang lawyers’ fees.

About The Author