dzme1530.ph

Roadworthiness ng mga babyaheng bus ngayong Sema Santa, pinatitiyak sa mga ahensya ng gobyerno

Loading

SA GITNA ng inaasahang pagdagsa ng mga biyaherong patungo sa iba’t ibang lalawigan ngayong Semana Santa, pinaalalahanan ni Senate Committee on Public Services Chairperson Raffy Tulfo ang Department of Transportation at iba pang ahensya na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero.

 

Binigyang-diin ni Tulfo na mahalagang magsagawa ng regular na inspeksyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus terminal upang tiyakin na roadworthy ang mga ba-biyaheng bus kasunod na rin ng mga natuklasang paglabag ng mga bus operators at terminals sa ginawang inspeksyon ng mambabatas.

 

Iginiit ng senador na dapat lahat ng mga opisyal at tauhan ng DOTr ay lumalabas sa kanilang mga airconditioned offices upang makita ang totoong sitwasyon ng mga pasahero at aksyunan ang mga paglabag ng mga bus.

 

Ipinaalala ng mambabatas na palagiang i-check ang gulong, brake systems, fire extinguishers at iba pang mahahalagang bagay para sa kaligtasan ng mga pasahero.

 

Pinatitiyak din ni Tulfo na may security personnel na may handheld metal detectors ang mga bus terminal upang  ma-check ang mga sasampang pasahero na posibleng may dalang armas o kontrabando para maiwasan na rin ang gulo.

 

Nanawagan din ang mambabatas na palagiang bisitahin ang mga kawani sa mga motorpool ng bus companies para matiyak na qualified mechanics ang nagkukumpuni ng mga unit.

About The Author