dzme1530.ph

‘Roadworthiness check’, isinagawa sa mga bus sa NIA South Road sa Quezon City

Naglunsad ang Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DoTr-SAICT) ng random “roadworthiness check” sa mga pampublikong bus sa kahabaan ng NIA South Road sa Quezon City, nitong Biyernes, Jan. 31.

Layunin ng operasyon na inspeksyunin ang mga bus dahil sa pagsasakay ng maraming pasahero.

Sinabi ni Reyson Dela Torre, DoTr-SAICT Special Operations Group officer-in-charge, na kailangang matiyak na ligtas ang biyahe ng mga mananakay tuwing sasakay ng pampublikong bus.

Kabilang sa mga ininspeksyon ang kondisyon ng mga ilaw, gulong, at preno ng mga bus, gayundin ang fire extinguishers at stickers na nakapaskil sa loob ng sasakyan para sa priority passengers.

Binigyang diin ni Dela Torre na mahalaga ang roadworthiness checks upang mabigyan ng kapanatagan ang mga pasahero na ligtas ang kanilang biyahe kapag sumasakay ng bus. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author