Hindi pa rin tinatalikuran ng Marcos administration ang isinusulong na ‘rightsizing’ sa gobyerno.
Sa unang araw ng plenary deliberations para sa 2024 General Appropriations Bill, sinabi ni Cong. Stella Luz Quimbo, na kabilang pa rin sa LEDAC priorities ang “rightsizing” na pending sa Senado.
Maging ang Department of Budget and Management ay gigil pa ring maisabatas ang rightsizing, at katunayan ‘frustrated’ na aniya sila sa executive branch.
Una nito inusisa ni Northern Samar Cong. Paul Daza kung interesado pa rin ang palasyo sa rightsizing samantalang maraming prayoridad ang ehekutibo gaya ng social protection, health, infrastructure at iba pa.
Paglilinaw naman ni Quimbo, totoong hangad pa rin ng palasyo ang pagtitipid sa paraan ng rightsizing, subalit hindi ito nangangahulugan na may mawawalan ng trabaho kundi pagsasaayos lang ng mga posisyon sa pamahalaan. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News