Nanindigan si Senate Committee on Public Works Chairman Mark Villar na panahon nang amyendahan ang Republic Act (RA) 10752 o Right of Way Act upang matugunan ang pagkaantala sa mga infrastructure projects.
Batay sa batas, pinapayagan ang gobyerno na makakuha ng lupa para sa mga national infrastructure projects sa pamamagitan ng donasyon, negotiated sale, o expropriation, na may kabayaran batay sa current market value.
Sinabi ni Villar na kailangang amyendahan ang batas upang matugunan ang pangangailangan ng mga implementing agencies at matiyak na makatatanggap nang makatarungang kabayaran ang mga may-ari ng mga private properties na naapektuhan ng mga infrastructure project ng pamahalaan.
Iginiit pa ng senador na ang mga iminumungkahing amyenda sa ROW Act ay alinsunod sa reporma sa Real Property, Valuation and Assessment at Public-Private Partnership laws.