dzme1530.ph

Rider, patay matapos sumalpok sa likuran ng trailer truck sa Manila

Pinangalanan na ang motor rider na sumalpok sa likurang bahagi ng trailer truck habang nakahinto ito sa stoplight ng Jose Abad Santos Corner Tayuman St., Manila, nitong Huwebes ng gabi, June 15, 2023.

Batay sa ibinagay na impormasyon ni MPD-PIO PMaj. Philipp Ines, ang rider ay kinilalang si Vincent Hernandez Y Nana, 41 taong gulang at nakatira sa Grace Park, Caloocan City na lulan ng Yamaha Mio I125 na may plate number na 853 QGT.

Ang driver naman ng Isuzu Cargo Truck na may plate number na PUP 320, ay minamaneho Ni Adan Badal Y Tabunares, 64 years old at nakatira sa Binondo, Manila.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, dakong 9:52 ng gabi, habang binabagtas ng truck driver ang Northbound ng Jose Abad Santos Avenue at tumigil ito sa stoplight ng Tayuman Street nang bigla na lamang itong nakarinig ng malakas na kalabog sa likurang bahagi ng minamanehong truck.

Nang kanya itong babain para silipin, bumungad sa kanya ang isang lalaking rider na nakahandusay at tila nasira ang mukha dahil sa lakas ng impact, gayuman agad itong binaiwan ng buhay.

Pasado 10:15 ng gabi nang maitawag sa pinakamalapit na istasyon ng pulis ang pangyayari at masuri ang bangkay, na ngayon ay pansamantalang nakalagak sa Funeraria Cruz sa nasabing lungsod. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author