dzme1530.ph

Rider, patay matapos magulungan ng kotse sa Maynila

Namatay ang isang motorcycle rider matapos mabangga ng isang kotse sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang biktima na si Ralph Jhoreb Doble, 29-anyos at residente ng Brgy. NBBS sa Navotas City.

Naganap ang insidente sa North bound lane ng Roxas Blvd. sa tapat ng US Embassy.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkasagian ang motorsiklo ng biktima at isang kotse na minamaneho ng US diplomat na si Seawright Lauren Kari.

Bumagsak ang biktima at dito na nagulungan ng minamanehong kotse ni Kari.

Ideklarang dead on arrival si Doble nang dalhin sa ospital. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author