Binalaan ng Department of Agriculture (DA) ang mga rice trader laban sa pagsasamantala sa “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” program, para bigyang katwiran ang pambabarat nila sa mga magsasaka.
Ginawa ng DA ang babala kasunod ng reports na bumagsak sa ₱13 ang kada kilo ng palay sa Victoria, Tarlac, bunsod ng umano’y mababang retail price ng “BBM Na.”
Sinabi ni Agriculture Assistant Sec. Arnel De Mesa na hindi maaaring gamitin ng mga trader ang ₱20 na per kilo ng bigas bilang argumento na mas mababa.
Paglilinaw ni De Mesa, ang “BBM Na” rice ay galing sa National Food Authority at subsidized, kung saan binibili ng nfa ang palay sa mga magsasaka sa halagang ̈́₱19 hanggang ₱24 per kilo.