Hinimok ng ilang grupo ang pamahalaan na suspindihin o ipawalang bisa ang Rice Trade Liberalizaton Law o Rice Tarrification Law na nag-alis sa import limits sa bigas, at nagbigay daan para bumaha ng imported na bigas sa bansa.
Sinab ni Amihan National Federation of Peasant Women Secretary General at Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, na dapat ay suspindihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Rice Liberalization Law upang agad maibalik ang mandato ng National Food Authority sa pagbebenta ng P27 at P32 na kada kilo ng bigas na abot-kaya ng mamamayan.
Sinegundahan naman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang panawagan ni Estavillo, sa pagsasabing dapat nang ipawalang bisa ang naturang batas at ibalik na ang mandato sa NFA na direktang bumibili ng malalaking volume ng palay sa mga lokal na magsasaka. –sa panulat ni Lea Soriano