Sinimulan na ng National Food Authority (NFA) ang prepositioning ng rice stocks sa buong bansa.
Ito’y bilang paghahanda sa pagsisimula ng lean months at sa mga posibleng kalamidad.
Ayon kay NFA Administrator Roderico Bioco, isinasagawa na ang paglilipat ng mga stocks mula sa surplus rice production areas gaya ng Region 1 hanggang 4 sa Luzon, Region 6 sa Visayas at Region 12 sa Mindanao patungo sa ibang lalawigan at strategic warehouses ng ahensya.
Kasundo nito, tiniyak ni Bioco na mayroong sapat na buffer stocks ng bigas ang bansa sa panahon ng kalamidad at emergency. —-sa panulat ni Jam Tarrayo