Umakyat sa 2.16 million metric tons ang national rice inventory noong Enero, mas mataas ng 6.4% kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba naman ng 15.7% ang rice inventory sa unang buwan ng 2025 mula sa 2.56 million metric tons noong December 2024.
Kumpara noong nakaraang taon, lumobo ng 485.1% ang bigas na nasa National Food Authority (NFA) depositories habang ang mga nasa kabahayan ay tumaas ng 5.4%.
Ang mga bigas naman na nasa commercial entities ay bumagsak ng 16.55% kumpara noong Enero ng nakaraang taon at 46.1% noong Disyembre.