dzme1530.ph

Rice import ng Pilipinas maaaring umabot sa 4 million MT ngayong 2025 –DEPDev

Loading

Maaaring umakyat sa 4 million metric tons (MMT) ang rice import ng Pilipinas ngayong 2025, ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).

Batay sa pagtaya ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang 12.888 million metric tons lamang ang lokal na rice production ngayong taon, mas mababa kumpara sa kabuuang demand na 15.54 million metric tons.

Dahil dito, 2.653 million metric tons ang kailangang punan sa pamamagitan ng importasyon upang matiyak ang sapat na suplay ng bigas sa bansa.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), kahit maabot ang 4 million metric tons na import, mas mababa pa rin ito sa record-high na 4.8 million metric tons na naitala noong 2023.

Target ng ahensya na mapanatili ang import level sa pagitan ng 3.8 hanggang 4 million metric tons.

Sa kabila nito, umaasa ang DA na maaabot pa rin ang target rice production na 20.46 million metric tons sa tulong ng magandang panahon at patuloy na suporta ng gobyerno.

About The Author